Tagumpay lyrics
Bata pa siyay pangarap na niyang maging isang tanyag na mang-aawit.
Ang pagkakataong kanyang hinihintay, sa isang paligsahan ay sumapit.
Tanghalan ay sadyang nakulayan ng himig sa tinig niyang walang kasing
lamig.
Sa bilang niya ang taoy natuwa ng lubusan, nagpalakpakan ng
walang patid.
Isang kisap mata siya ay natuklasan, sumikat sa
larangan ng pag-awit.
Mga kaibigan niyay lalong nadagdagan at ang
pera ay kusang lumalapit.
Sumagana siya sa kahit na anong
maibigan, alahas at mga bagong damit.
Ang alak at sugal ay ginawa
niyang libangan, gabi at araw ay pinagpalit.
O kay sarap maging
tanyag, ang tagumpay ay kay sarap damhin.
O kay sarap maging
sikat, ang tagumpay ay nakalalasing.
Hindi nagtagal bigla niyang
napansin, lumipas na ang kanyang kasikatan.
At ang pera niyay
naubos na rin, kasama ng ilang mga kaibigan.
Sinikap niyang muling
ibalik ang kahapon upang ang bukas ay paghandaan.
Subalit ang tinig
na kanyang puhunay, ayaw ng tanggapin ng lipunan.
O kay sarap
maging tanyag, ang tagumpay ay nakalalasing.
O kay sarap maging
sikat, ang tagumpay ay kay sarap damhin.
Florante Tagumpay lyrics are provided by;
|