Kasarinlan lyrics
Hindi habang panahong aasa sa iba,
ang bayan ko ay tatayo rin sa
sariling paa.
Kasarinlan ay darating at ang lahat ay sasagana,
paglaya ng ganap ay mararamdaman.
Igala ang paningin sa
mga kapaligiran,
maraming bagay ang maa-aring pagkakitaan.
Kasarinlan ang malagay sa matatag na kabuhayan,
paglaya
ng ganap dapat maramdaman.
Tiyagaing abutin ang kaunlaran,
bangon na at tumulong sa bayan.
Ang isang kabuhayang may
kaunlaran
ang susi sa daang patungo sa kasarinlan.
Magsanay gumawa at mag-isip mag-isa,
huwag umasang mayroong mga
maa-awa.
Kasarinlan ang tumindig ng walang kinakapitan,
paglaya ng ganap dapat maramdaman.
Tiyagaing abutin ang
kaunlaran,
bangon na at tumulong sa bayan.
Ang isang
kabuhayang may kaunlaran
ang susi sa daang patungo sa
kasarinlan.
Hindi habang panahong aasa sa iba,
ang
bayan ko ay tatayo rin sa sariling paa.
Kasarinlan ay darating at
ang lahat ay sasagana,
paglaya ng ganap ay mararamdaman
Kasarinlan ang magtiwala sa sarili ng lubusan.
Isang
kasarinlan, isang kalayaan.
Florante Kasarinlan lyrics are provided by;
|