|
|
|
Send "Ako" Ringtone to your Cell 
|
Ako Lyrics
Nang ako ay dumating dito sa bayan mo ang kasama ko ay kombo.
Mayrong anim na buwan kaming nagkalampagan ng aming gamit sa pagtugtog.
Subalit may kontrata kaming pinirmahan
at labing isang
buwan kaming nagkalampagan sa Japan
Ako ay bumalik dito sa
Pilipinas pagkat ang kombo ko ay nalansag.
Ngunit hindi inabot ng
ganoong katagal, may bagong kombo akong itinatag.
Kay husay o ang
galing, marami ang humanga
ngunit ang miyembroy nagsiyabang at
kami ay nagkasira.
May dahilan ba kong magsolo?
Wala
akong problema sa miyembro.
Kahit anong oras mag-ensayo
garantisadong walang obligado.
Dito sa bayan mo ako ay nakilala sa
pag-gigitara at pagkanta
Walang dramista, organista o bahista, ako
sa pagtugtog ay nag-iisa.
Kung minsan ay namamalat ang boses koy
pumipiyak
kaya pasensiya na kayo dito sa boses kong basag
May dahilan ba akong magsolo?
Wala akong problema sa
miyembro.
Kahit anong oras mag-ensayo garantisadong walang
obligado.
Kung minsan ay namamalat ang boses koy pumipiyak,
ngunit ako ay maligaya kung kayoy pumapalakpak.
|
Send "Ako" Ringtone to your Cell 
Ako Lyrics of Florante is copyrighted and AskLyrics is featuring all Florante songs for non-commercial use only.
|
|