Bumangon ka na diyan at baka ika'y kapuyin
Ipunin na ang tubal at ito'y
ating usungin
Pagpanaog dahan-dahan at huwag tutulog-tulog
Mahuna
na ang hagdanan at baka ika'y mahulog
Salaula sa babag
beinte-nuebe balisong
Paglamon o bakbakan siguradong di uurong
Bulalo, lomi at balatong, purunggo at tutong
Huwag mong sasayangin
siguradong mabubusong
Tumatagurtor na ang tuhod ko pare
Walangjo naging nerbyoso dahil sa kapeng barako
Idaan mo na lang sa
gin, alah-eh with ice na rin
babarik nang babarik nang babarik nang
babarik
alah-eh!
Ano gang iyong problema, maglaro
ka't maglibang
Bayuot ang iyong mukha aba'y hindi dapat gay-an
Gusto mo gang mag-jolen, basketbol-teks sa daan
kakam-baliw ay iwasan
at mamahaw ka na laang!
Ang galpong ay isalang at sa medyas ay
salaain
Pagkatapos patiningin ay iulam mo sa kanin
Bulalo, lomi
at balatong, purunggon at tutong
Huwag mong sasayangin siguradong
mabubusong!