pana-panahon ang pagkakataon maibabalik ba ang kahapon?
natatandaan
mo pa ba, nang tayong dalwa'y ang unang nagkita? panahon ng kamusmusan
sa piling ng mga bulaklak at halaman doon tayong nagsimulang
mangarap at tumula
natatandaan mo pa ba, inukit kong puso sa
punong mangga at ang inalay kong gumamela magkahawak-kamay sa
dalampasigan malayang tulad ng mga ibon ang gunita ng ating kahapon
ang mga puno't halaman ay kabiyak ng ating gunita sa paglipas
ng panahon bakit kailangan ding lumisan?
pana-panahon ang pagkakatao
maibabalik ba ang kahapon?
ngayon ikaw ay nagbalik at tulad ko
rin ang iyong pananabik makita ang dating kanlungan tahanan ng ating
tula at pangarap ngayon ay naglaho na saan hahanapin pa?
lumilipas ang panahon kabiyak ng ating gunita ang mga puno't
halaman bakit kailangan lumisan?
pana-panahon ang pagkakataon
maibabalik ba ang kahapon? lumilipas ang panahon kabiyak ng ating
gunita ang mga puno't halaman bakit kailangan lumisan?
pana-panahon ang pagkakataon maibabalik ba ang kahapon?